Showing posts with label psg party. Show all posts
Showing posts with label psg party. Show all posts

Tuesday, December 20, 2011

Valerie's PNoy Krismas Party


“Ilang araw na lang bago sumapit ang Pasko
isa na namang pagsubok ang dumating sa mga Pilipino
matinding pagbaha sa Iligan at Cagayan De Oro
winasak mga kabahayan pati maraming buhay ng tao

habang lahat ay nagluluksa sa hagupit na sinapit
Bigla naman pong may nagpasabog ng isang tweet
Ayun ang pangulo tila raw nakiki-pag-Party
Binuko ng actress na may pangalang Valerie

Depensa ng marami si Pnoy daw ay sumaglit lang
Upang mga tauhan sa PSG ay mapagbigyan
kung inabot man siya ng minuto o ilang oras, hindi ito mahalaga
Ang hanap lang ng karamihan ay kaunti lang daw delicadeza

Ang sigaw ng karamihan “Unahin mo kaming puntahan!”
Kaysa ikaw ay nakikisaya at nakikipag-sosyalan
Ikaw ang aming itinuturing ama ng ating bansa
Nais lang namin ang iyong personal na pagkalinga”