Monday, December 12, 2011
Fake Doctors In Boracay
5. Fake Doctors in Boracay
Tutal peke naman pala mga life-threatening sakit ni Arroyo, i-suggest ko sa kanya yung mga pekeng doktor sa Boracay.
Pormal na nagbabala ang Aklan Medical Society (AMS) laban sa ilang pekeng doktor na nambibiktima sa Boracay Island sa Malay, Aklan.
Ayon kay AMS President Bea Diel, patuloy silang tumatanggap ng ulat mula sa isla tungkol sa maraming doktor na sumisingil nang labis-labis para sa kanilang serbisyo.
“Nakatatangap din kami ng mga ulat ng maling diagnosis mula sa mga doktor na nagpapakilalang galing sa Maynila, at ilan sa kanila ay on-call sa mga hotel,” sabi ni Diel.
Napag-alaman na ginagarantiya daw ng mga doktor na ito na kaya nilang pagalingin ang maraming klaseng sakit at gawin ang lahat ng maseselang operasyon katulad ng mga brain surgery, heart transplant, at cancer treatment pwera na lang ang bone biopsy.
Kaugnay nito, lumiham ang AMS sa lokal na pamahalaan ng Malay para i-regulate ang gawaing medikal sa isla.
Ayon sa isang bubwit, pagkatapos ng isang masusing imbestigasyon ng intelligence ng magkasamang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), napag-alaman na ang mga nasabing doktor ay buhat sa isang sikat at mamahaling ospital ng mga pulitiko at mayayaman na personalidad. Ang ospital na tinutukoy ay ang St. Luke’s Medical Center.
Back to Total Lunar Eclipse
http://bekindtoustrolls.wordpress.com/2011/12/12/total-lunar-eclipse/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
[...] http://bekindtoustrolls.wordpress.com/2011/12/12/fake-doctors-in-boracay/ [...]
ReplyDelete