Sunday, December 25, 2011

Metro Manila Film Festival 2011


The 2011 Metro Manila Film Festival Official Entries

Taon-taon na lang ay may ganitong okasyon na pinagsasaluhan
Inihahain sa masang Pilipino para tuwing Pasko ay may aabangan
Mga piling pelikula na inaasahang sana ay papatok sa takilya
Panonoorin ng kapamilya, kapuso at kapatid habang maraming pera

1.       My House Husband, Ikaw Na!  

Mali, hindi ito yung typical na kuwentong Andres De Saya
Nawalan lang po ng trabaho ang lalaki ng pansamantala
Kaya Taga-luto, Taga-laba, at Taga-plantsa na muna
Habang may babaeng garutay at patawa na panay ang porma

2.      Ang Panday 2

70% Computer Generated Images ang panlaban namin dito
Pinaghirapan at ginastusan namin talaga ito ng todo-todo
kahit walang masyadong sense ang aming naisip na istorya
busog naman sa special effects ang inyong mga mata!

3.       Enteng Ng Ina Mo

Dati kaming dalawa ni Senator Panday o Agimat ang nagkaisa
Ngayon naman ay katambalan ko ang pambansang baba na si Tanging Ina
Fans kasi namin ay malapit ng magsawa sa solo naming mga patawa
Kaya nag-combine ang aming komedya, para kahit kaunti ay maiba

4.       Segunda Mano

Ang Star of all Media, Kris Aquino,  ang aming pangunahing bida
Samahan pa ng isang guwapong Dingdong at seksing si Angelica
Bonggang-bongga pa ang twist ng horror movie namin
Kaso talagang wala lang kasing maisip na magandang pamahiin

5.       Shake, Rattle And Roll 13

Tatlong pangtakot na short stories na naman ang aming ipanglalaban
Paulit-ulit na kuwentong Kababalaghan, Misteryo at Sindakan
Patuloy na manggugulang….Ay! manggugulat pala, sa sambayanang Pilipino
Mula inyong ninuno hanggang sa apo ng inyong mga apo

6.       Manila Kingpin: The Untold Story Of Asiong Salonga

Barilan, suntukan at murahan ang aming ipangtatapat
Sa mga ibang movies na istorya ay bitin at walang binatbat
Black and White ang kulay namin, kaya tunay na ibang-iba ito
Kinontak na nga kami para sa isang sequel ni Leah Navarro

7.       Yesterday, Today Tomorrow

Wow! Star-studded movie sa dami ng mga bigating artista
Lahat sila sa movie poster ay mga nakabihis at naka-postura
Ano nga ba ang kanilang mga itinatago sa istorya ng pelikula?
Ewan ko lang, Ah, basta!, kung anu-anong kaek-ekan at drama.

8.       Be Kind To Us Trolls: The Movie

Ito ang movie na tunay na dapat abangan at kagiliwan
Tungkol ito sa mga sikat na personalidad sa ating lipunan
Halo-halong komedya, drama, aksyon at katatakutan
Higit sa lahat ito ay may moral lesson na dapat matutunan

Ayan na po ang walong movie na inihandog ng MMFF sa atin
Maganda sana kung lahat ay kaya nating panoorin at tangkilikin
Ngunit paano naman ako makapagsasaya habang nanonood ng pelikula
Habang sinapit ng mga kababayan sa Northern Mindanao ay aking naaalala

Ok lang magdiwang at gumastos tayo sa araw na ito ng Pasko
Huwag lang kalimutang magbigay galang sa ating Panginoong Hesukristo
Kung tayo ay magpapasalamat at magbibigay puri sa kanya
Ialay na lang sa ating kapwa at ipamahagi ang nakuhang grasya

Here's a more detailed write-up about the MMFF 2011 official entries:

http://www.manilatimes.net/index.php/life-and-times/13834-tmts-complete-guide-to-the-2011-metro-manila-film-festival

No comments:

Post a Comment