Saturday, November 19, 2011
Dahil Sa Pabago-Bagong Salaysay
Ramona Bautista: Ako po biktima rito (transcript)
Ako po si Maria Ramona Belen Bautista, 22 years old, married. Nakatira po ako sa No. 4 President's Avenue, Phase 6-A, BF Homes, Paranaque.
Nagsasalaysay po ako ng pawang katotohanan. Na-witness ko po ang brutal na pagkamatay ng aking kapatid.
Walang gustong makakita nun. Kahit po simpleng away sa kapatid ko, pinagtatanggol ko.
Ito lang po masasabi ko: Wala po akong alam sa nangyari. Hindi po ako directly or indirectly involved or nag-participate sa krimen na ito. Kahit anong krimen, wala akong nagawa, lalo na sa pagkakapatay sa kapatid kong si Ramgen.
Lahat ng akusasyon sa pamilya ko ay walang katotohanan, kasinungalingan lang po lahat nang ito. Pinapaikot-ikot po nila ang katotohanan, binabaliktad niya kami, dinidiin pamilya ko.
Kami na nga ang na-aagrabyado, kami pa ang suspect. Linoloko po nila ang justice. They're misleading the facts.
Ang masasabi ko lang po, sana di biased ang government. Gusto ko magkaron ng katarungan pagkamatay ng aking kapatid.
No sibling rivalry
For the record, wala pong any sibling rivalry sa amin. Kung meron man, napakaliit lang po na bagay -- like kung sino magda-drive ng kotse, sino magsusundo sa maliit kong kapatid, ano pong ulam ang kakainin, sino pong gagawa nito ... iyun lang po ... kung san kami pupunta, wala na pong iba.
Hindi po enough para gawin namin na patayin ang sarili naming kapatid. Kahit anong gawin namin sa bahay, lahat po kami nagmamahalan, kahit sino naman po gagawin yun.
Masakit po sa puso naming magkapamilya ang nangyari. HIndi nga po kami binigyan ng chance para mag-mourn sa aming kapatid.
I was in deep shock, sudden turn of events, wala po ako sa mental state and emotionally, super nag-break down ako ng araw na yon sa sobrang daming dugong nakita ko,
Ang totoong pong nangyari ay ito po: umalis po ako kasama ang kaibigan ko. Pauwi na po ako sa bahay mag-11 na po, pagdating na pagdating ko sa bahay, kausap ko yaya namin.
Humingi ako ng tubig kasi nga po, nabangga po yung kaibigan ko kaya naglakad ako pabalik sa bahay, kaya po naghihingi ng tubig sa yaya namin. Pagkatapos po ang saya-saya ko po. Tanungin niyo pa sila.
Tapos nakita ko po si Ramgen at Janelle sa may baba. Sabi ko po kay Ramgen: 'Ramgen gawan mo naman si Ramram ng video.' Si Ramram po yung kapatid ko na nasa PMA na recognized na po ngayon na cadet.
Sabi ko pa po sa kanya, 'Wala ka na nga nung last time, sana naman ngayon bigyan mo siya ng message kasi last time, ikaw una niyang hinanap sa amin, nalungkot siya.'
Eh sabi nya po 'Sige akyat ka na lang mamaya kunin mo video sa amin.'
So umakyat na po ako, kumakain ako sa kwarto ko, tapos nung nakita ko po siya, kumatok na ko sa kwarto niya, after a few minutes para makapag-ready naman po siya.
Kumatok po ako, binuksan ni Janelle yung pinto. Pumunta po ako sa gilid ng kama po kasi di pa po siya bihis, kaya po nangyari nagkwentuhan po muna kami, "O, asan na yung video? I-send mo sakin!"
Eh, kaso di po ako iPhone, iPhone po yung kapatid ko. Tinanong niya po si Janelle. Tapos tinanong niya tuloy si Janelle, sabi niya "By, pwede magsend yung ibang video as cellphone pag hindi iPhone?"
Sabi pa nga po ni Janelle "Di pwede By, eh". Tapos sabi ko "Ay, eh di gawa tayong ibang video!"
Tapos sabi niya "Hindi, hindi, ise-send ko na lang sa e-mail mo. So sinend niya sa email ko, so sinend na niya lahat, tapos tinanong ko po, "Paano ko kukunin?"
Tanungin ko na lang daw po si Joseph, alam na daw niya po yun. Tapos sabi ko, o sige, o sige, ready na po ako umalis.
Murder
Tapos nun, may mga lalaking naka-maskara sa pintuan ng... kwarto ng kapatid ko. Hindi po ako nagbukas ng pinto. Hindi po ako nagbukas.
Si Janelle po katabi ng pinto, dapat siya ang mag-lock. Di ko trabahong i-lock yung pinto, hindi ko naman po alam yun eh. Hindi ko rin inaasahan yung pangyayari. Ang alam ko po, kukunin ko lang yung video at aalis na po ako.
Tapos po, nandun na po yung lalake sa pintuan, pero nagulat po ako, pero mas nagulat po ako nung si Janelle may pumutok po na, parang hangin na napakalakas.
Tapos nakita kong nakaganun (lowers head mimicking Janelle's supposed action), si Janelle tumungo, tapos tumayo po si Ramgen tapos sinabi "Sino ka?!"
Tapos sinugod niya yung lalaki, tapos nakipaglaban-laban po siya, hindi ko na maalala yung nangyari basta nakakita ako ng dugo, tina-try ko din mag-duck kasi baka rin ako masaktan, basta nakita ko po pangyayari.
Tapos nung nakita ko na ang dami-daming dugo na niyang nawawala, yung sa floor po, umatras po siya papasok ng kuwarto kasi yung lalake po, never po siyang pumasok ng kwarto tapos umatras po tapos pumasok po siya sa kwarto tapos sinara niya pinto buong lakas ng katawan niya.
Tapos nung naipit yung kamay ng lalake siguro by instinct, di ko lang po alam, tapos natanggal niya po, pagkatapos po na-lock po ni Ramgen yung pinto. Iyun po talaga nangyari, ang pinakamasama po dun, habang palaglag si Ramgen sa pinto, sabi niya "Maraaa.." (reenacts saying "Maraaaa")
Sinagip po ng kapatid ko buhay ko, hindi ko po kayang gawing saktan yung kapatid ko.
Iyun lang po nangyari.
Sigaw po ako ng sigaw the entire time, sabi ko "Ramgen! Ramgen!"
Ang daming dugo
Tumayo na po ako, tinatawag ko po si Ramgen at Janelle, tapos linapitan ko po si Janelle nakakapagsalita pa kasi si Ramgen di na nakakapagsalita.
Sabi ko kay Janelle, "Janelle, Janelle, ang dami mong dugo! You're bleeding! Yung dugo yung mukha mo ang dami daming dugo! Halika tatakluban ko, baka mag-bleed out to death ka!"
Tinakluban ko po siya, tapos sabi niya po sakin "Mara, wag, wag! Di ako makahinga!"
Tapos sabi ko "Anong gagawin ko Janelle, anong gagawin ko?! Di ko alam gagawin ko, may PLDT ba dito?! Kasi di ko alam number ng rescue na tatawagan ko, Janelle Janelle!"
Tapos sabi niya di niya alam, tapos sabi ko sige asan susi ng kotse ni Ramgen ida-drive kita, idadrive kita! Tapos sigaw na po ako ng sigaw dun pero walang umaakyat sa kwarto!
Andun po yung tatlong yaya sa baba at saka security ni Ramgen sa baba lang ng kwarto niya. Di ko alam gagawin ko, tapos ilang seconds, si Janelle po di na nagsasalita, akala ko po wala na po siya.
Tapos kinausap ko po "Janelle, Janelle!" tapos di niya po ako sinasagot so akala ko po nawala na rin po siya. So pinakinggan ko kung may tao pa ba sa labas.
After po nun, lalo akong natakot kasi di na niya ko kinakausap, so dun na po ako nagpanic, anong gagawin ko? Binuksan ko pinto tapos tinignan ko po, tapos bigla na lang po ako tumakbo sa baba.
Front door was open
Bukas po yung front door namin, hindi ko po alam kung bakit, pero bukas po, tapos dumiretso... ah.. eeh.. wait... (touches forehead)... uhm habang, uhm, kailangan ulitin dito, uhm, yung, sabi ko kay Janelle, anong gagawin ko? Sinong tatawagan ko? May PLDT ba? Anong number tatawagan ko?
Tapos... Shit nawala na ko, kasi nawala, di ba dapat tatawagan ko si Gale?
Oh eto na po, linapitan ko po si Janelle (recounts putting cloth over Janelle to stop her from bleeding as she previously narrated) kasi di ko po mahawakan kasi natakot po ako sa dugo, tapos pagkatapos po nun, sabi ko Janelle, Janelle, sinong tatawagan ko? Anong gagawin ko? Asan susi ni Ramgen ida-drive kita sa pinakamalapit na ospital.
Sabi niya di niya alam nasaan susi. Janelle, ate natatakot akong lumabas baka nandyan pa sila! Ate konti na lang, konti na lang, tapos di na niya ko sinagot after that.
So lalo po akong nagpanic. So ang ginagawa ko po tinawagan ko yung kapatid ko, di ko matandaan kung si Gale or si Joseph sinasabi ko po "Puntahan niyo ko dito, puntahan niyo ko dito, natatakot ako!"
Tapos po nun sigaw ako ng sigaw tapos naisip ko baka wala na dun yung killer, basta alam ko sigaw lang ako ng sigaw, siguro naman po may nakarinig po kahit papano nun, sigaw po talaga ako ng sigaw. Ilang seconds po tumakbo ako sa baba tapos bukas front door ng kotse, tapos nakita ko dumating na yung mga kapatid ko.
Going to Baguio
Sumakay po ako sa kotse, nanahimik lang ako nun, tapos nanginig nga po ako bigla na lang ako nakatulala yun na nga lang sabi ng kapatid ko natural lang po sakin yun kasi kakalabas ko lang kasama kaibigan ko, kala po nila nag-inom po or ganito, kasi alam nila di ako pinapakialaman, tahimik lang ako, after po nun, uhm, after po nun, so inisip ko na po opo makakalayo na ko pupunta akong Baguio, di na ko lilingon pabalik sa bahay.
Nagbreakdown na po ako, may pumatay kay Ramgen at Janelle. Nahihiya po ako, gumawa na lang ako ng istorya.
Sinagip niya buhay ko. Nahihiya ako na iniwan ko kapatid ko, iyun lang. Ngayon sinisisi kapatid kong maliit, wala siyang alam, di nya kaya gawin iyon.
Kayong mga may nagpapasok ng tao sa bahay, si Ronald yun. Alam niya kaka-boxing lang ni Ramgen. Alam niyang walang tao sa bahay. Di niya inaasahan nasa bahay ako, dapat nasa Baguio ako.
Droplets ng bahay papunta sa driver's kitchen, 2 dugong droplets sa dining table namin. Hanapin nyo totoong pumatay, gusto ko makakuha ng katarungan sa kanya. Walang ginagawa si Joseph.
Ako po biktima rito. Nagpunta po ko rito para bisitahin pamilya ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment