Tuesday, November 29, 2011
Imelda Visits Gloria
Imelda Romualdez Marcos visits Gloria Macapagal Arroyo at the St. Luke's Medical Center Global City
O Gloria, ikaw ay aking sinisinta
Bagama't ikaw ay kanila ngayong inaalipusta
Hindi pinapaniwalaan at kinukutya
Mahal na mahal pa rin kita
Sa iyo ko lang nakita ang aking mga mithiin
nakitang matagumpay sa lahat ng hangarin
namasdang walang takot silang harapin
kahit na tawagin ka pang sinungaling
Marami kang proyektong ginawa
Marami kang bibig na pinakain
Marami kang posisyong binigay
Bagama't sabi ng maraming iba rin
ang nakinabang ay iyong pamilya
Now sing to the tune of Tukso by Eva Eugenio
Tapat ang puso ko
At ito'y hindi magbabago
Pagka't paghanga ko
Ay tanging para sa 'yo
Wag sanang mangyari
Makulong ka kahit sandali
Pagka't ang kulong ay
Nakakalokang di mawari
Kayrami mong winasak na tahanan
Kayrami mong matang pinaluha
Kayrami mong pusong sinugatan
O Gloria, hanga ako sa iyo
Di maiwasang sabihin
Na sila'y may galit din
Pagka't sila'y tao lang
May puso't damdamin
Ngunit kung kaya mo
Galit ay di mananaig
Maghintay lang poot ay maging inggit
hanggang sa makalimutan na rin
Kayrami mong winasak na tahanan
Kayrami mong matang pinaluha
Kayrami mong pusong sinugatan
O Gloria, hanga ako sa iyo
Kayrami mong winasak na tahanan
Kayrami mong matang pinaluha
Kayrami mong pusong sinugatan
O Gloria, hanga ako sa iyo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Just a smiling visitant here to share the enjoy (:, btw outstanding style . 628072
ReplyDelete... [Trackback]...
ReplyDelete[...] Informations on that Topic: bekindtoustrolls.wordpress.com/2011/11/30/imelda-visits-gloria/ [...]...
hello!,I love your writing very so much! proportion we be in contact extra approximately your post on AOL? I need an expert on this house to unravel my problem. May be that's you! Taking a look forward to look you.
ReplyDelete