Wednesday, November 23, 2011

Maligayang Kaarawan Kay Jun Sabayton !

Jun Sabayton
Documentary Director. Photographer. Production Designer.  RODOLFO "Jun" SABAYTON Jr. is a co-owner of Furball, Inc.   He is also a mainstay at the Mowelfund Film Institute’s roster of active alumni.  The man possesses a fully-developed and keen sense for little big things that rushing passers-by do not usually take notice of.

He is currently directing for and starring in television. If not busy, he takes time out to curate for Art Exhibits and Film Showings in Artist Run Spaces.

A few years back, he did a collaboration with Ayuz Bros. Ernest Conception which included two short films that was featured in International Festivals such as the Int’l Film Festival.

By early June 2005, Jun Sabayton was proclaimed as Best Production Designer for the film "Ebolusyon" by Lav Diaz.  Gawad Urian is one of the elite and most respected award giving body in Philippine Cinema.


On The Spot: Jun Sabayton  (reposting from Spot.ph)

Jun Sabayton has been stripping for more than 10 years—but you probably already knew that if you’ve been following his career closely. If you haven’t, you’re probably wondering, “Who the hell is Jun Sabayton ?” Well, it’s about time you got to know this guy. Seriously.

The Mowelfund Film Institute alumnus' foray into the world of film and television began with a stint as a production designer—and he became an award-winning one at that. In 2005 he bagged the Gawad Urian’s Best Production Designer prize for his work on the Lav Diaz film Ebolusyon. Known in the indie film and art scene as a talented documentary director and photographer, Sabayton slowly gained a following after appearing in bit roles in the Ramon Bautista-directed Manic Pop Thrill andStrangebrew, the reality situational comedy directed by RA Rivera, starring Tado Jimenez and Angel “Erning” Rivero. Today, he is most known for his work behind (as director) and in front of the camera in Lourd de Veyra’s hit TV5 segment Word of the Lourd (if you haven’t seen it, shame on you!).

We have yet to meet anyone who didn't get cracked up by the 37-year-old's antics, what with his signature "brocha" mustache and macho dancer moves he likes to unexpectedly spring upon his ardent audience.  Laced with satirical sensibilities, his brand of funny is refreshingly witty yet totally Pinoy. It’s no wonder his fan base is growing by the minute; his newly created Facebook fan page has close to ten thousand likes as of press time. Sabayton, we dare predict, might just be the next big thing.

Along with SPOT.phEsquire Philippines’ Editor-in-Chief Erwin Romulo sat down with Sabayton to talk about his work, love, women, and yes, that well-exposed tiyan.

Ano yung background mo? Saan ka nag-aral?

Nag-aral ako ng communications at broadcasting. Naging klasmeyt ko sa isang University si Odyssey Flores, isang DOP (director of photography). Sabi niya sa akin, “bro, walang kwenta ‘tong ginagawa natin dito. Mag-aral tayo sa Mowelfund.” Nauna siya sa akin ng one year, tapos nag-enrol din ako sa Mowelfund Film Institute. Dun kami nag kakilala nila RA (Rivera).

Ano ba talaga yung totoong propesyon mo?

Actually, ano ako, filmmaker talaga tapos production designer dati, tapos yon, pinangarap ko maging director.

Ano yung mas gusto mo, acting or directing?

Kailangan ba isa lang? Directing.

Kung bibigyan ka ng chance to have a movie with a mainstream actress, sino ang gusto mong ka-love team?

Gusto ko si Maja Salvador. Nakita mo mga billboard niya? Sexy di ba, grabe. Typical lang siya na Filipina.

Ano 'yung storyline ng movie?

Siguro dapat may action, may comedy o ano, mas maganda kung medyo tragic love story para kumita. Tapos parang teeny bopper.

Kailan ka unang humarap sa camera?

Di ko na actually matandaan, pero alam ko yung unang beses ko, di ko alam kung thesis ba yon. Bilang actor yung talagang first na na-professionalize yung pag harap ko sa camera yung kay RA Rivera at Ramon Bautista sa UNTV.

Paano ang approach mo sa acting? Ano 'yung method mo?

Di ko alam, di talaga ako marunong umarte. Sabi ni RA (Rivera), “Men, maganda yan, yun nga yung nakakatawa yung di ka marunong umarte.”

Nag PETA (Philippine Educational Theater Association) ka ba?

Hindi. Nung high school ako parang meron akong sinalihan na org, Mandudula ng Tondo.

How would you describe your physical beauty and appeal?

Typical na Pilipino tambay. Kung may Juan de la Cruz, may Jun Sabayton. Ako yung bagong Juan de la Cruz. Parang Kris Aquino na-in love kay Robin Padilla.

So parang Robin Padilla ka?

Hindi naman, mas mababang klaseng Robin Padilla siguro.

Pero idol mo si Robin Padilla?

Ah, hinde. Mas idol ko si Ronnie Lazaro. Gusto ko maging Ronnie Lazaro pag dating ng panahon.

Saan mo nakuha yung idea ng "A Social Experiment" episode sa Word of the Lourd? Pano nag simula yon?

Sinasabi ko kay Lourd (de Veyra) palagi, gawa tayo ng ganito kasi na experience ko ‘to palagi. Maayos naman ako mag damit pero pag sumasakay ako ng bus lagi akong napapagbintangan na holdaper.

Ano ang nangyari?

One time pauwi kami ng misis ko tapos sumakay kami ng bus, nauna siyang nakasakay tapos pag sakay kong ganon, hinarang ako ng konduktor. Pag pumipila sa MRT, sa Jollibee, karamihan ng mga babae, kung ako yung nasa likod, yung tatago nila yung bag nila.

Maraming naawa sayo after pinakita yung WOTL (Word of the Lourd) "A Social Experiment" episode na kasama si Atty. Mike Templo kung saan pinakita na mas guapo siyang lalaki sa iyo. Nasasaktan ka ba?

Di naman. Sanay na ako. Minsan kapag nagkatitigan kami ng chicks, o kaya napapatitig siya sa akin, dalawa lang iniisp ko, either nagkakagusto o naawa.

Given na 'yun 'yung reaksyon ng mga babae sa ‘yo, may gusto ka bang baguhin sa ‘yong physical appearance?

Siguro mas magpapapogi pa ako, tapos mukhang mayaman na maputi.

Bakit, di ka ba pogi?

Ako? Pogi siguro sa iba pero sa iba hinde eh. Wala ako sa standard ng mga pogi talaga eh.

Sino yung standard ng pogi?

Dami eh. Ah, Coco Martin. Pogi 'yan!

Medyo kawahig mo siya...

Naghuhubad din yon. Napanood mo ba yung Serbis? Laki ng etits niya dun. Kamukha ko daw si Spencer Reyes dati.

Which Hollywood and local actors would you trade lives with?

Benicio del Toro. Kamukha ko raw siya eh. Dami nag sasabi. Sa local, siyempre, Piolo Pascual na o Aga Mulach. Di tumatanda mukha diba. Pero kung sa luma, Jay Ilagan.

Kunwari i-offer ka ni Dr. Belo ng free liposuction, papayag ka?

Hindi, pero siguro iba na lang ire-request ko. Magpapapenis enlargement, kasi typical Filipino lang yung akin, average lang. Okay na ako siguro pero, diba…

You often appear shirtless in Word of the Lourd, how do you keep your body in shape?

Ngayon, wala akong exercise. Dati pa akong naghuhubad, Strangebrew days pa lang, tsaka Manic Pop Thrill.  Actually si Ramon Bautista, sa pagkaka-alam ko, siya yung unang nag pahubad sa akin saManic Pop Thrill.

Bakit di ka nahihiya mag pakita ng tiyan?

Di naman nakakahiya diba? Kahit pumunta ka ng Brazil lahat dun nakahubad diba. Sa Tondo, sa amin laging naka ganito eh.

So anong feeling nung una kang pinahubad?

Parang wala lang naman kasi typical lang na Filipino yan, alam mo yon, yung palakad-lakad ng nakahubad.

Pag kailangan sa role?

Maghuhubad ako, art eh.

Kung i-offer ka naman ng Bench to pose in your undies for a billboard ad, papayag ka?

Oo naman! Naka boxers siguro or white briefs. Ang ganda nun! Kahilera ko sila Coco Martin.

Anong mas effective para mag seduce ng chicks, yung trip ka nila o naawa sila sa yo?

Siguro mas okay yung kaawa-awa ako.

How would you approach a girl after nagkatitigan?

Hirap nung tanong na yan, yari ako kay misis. Wala lang, kunwari nag ka tinginan kayo, smile ka lang, parang ngiting Romy Diaz. Pagka ngumiti yung girl approach ka na, tapos magpapatawa ka na.

Ano ang opening line mo?

“Anong Zodiac sign mo? Alam mo bagay sayo Sagittarius.” Tapos sagot yung babae, “bakit naman?” Sagot ko, “Sagittarius kasi ako.” Ganon ka corny. Sa una siguro natatakot yung girl but eventually pag nakilala nila ako, okay naman pala akong tao, harmless.

Bakit maraming babae na i-in love sa mga hindi model-types?

Hindi ko alam eh. Dami ko nang nakikitang ganon. Di ko alam, baka mas kumokonti yung babae ngayon. Or siguro iba rin kung engineer ka o lawyer ka.

Pag filmmaker?

Walang pera yung filmmaker. Siguro mas tinitingnan nung babae kung saan sila mas magsu-survive.

How are you dealing with the pressures of fame? How is it affecting your art?

Actually hindi ko alam eh.

Nakikilala ka ba sa daan?

Oo. Minsan pag sumasakay ako ng bus o MRT, may nag aaproach sa akin, tapos hinahanap ko pa sa memory lane ko kung kakilala ko siya. Parang “sino ka nga ba?” tapos dun ko lang marerealize pag sagot nila, “napanood kasi kita sa TV.” Yung iba talaga avid fan na ng Strangebrew at Brewrats. Yung iba, “diba ikaw yung kasama ni Lourd de Veyra, yung director ng WOTL.” Tapos hirit pa nila, “isang sayaw naman diyan.”

May nag papaautograph ba?

Meron naman. Mga babae, mga lalaki, pero mostly mga lalaki yung mga naghihingi ng autograph. Pero nakakatuwa din pag sa Twitter, di ko alam kung paniniwalaan ko, parang may nag-tweet “ang cute mo Jun, pogi mo.” Pero alam ko hindi talaga.

Di ka nakasama sa SPOT.ph list ng Top 10 Sexy-Ugly Hotties, maraming nag-complain. How do you feel about that?

Okay lang naman.

Do you think karapatdapat ka dun? Kung andun ka what would your ranking be?

Number one si Lourd, number two si Ramon, pwede siguro ako sa number three.

Describe Jun Sabayton.

Seryosoyan? Survivor. Naniwala ako na pwede naman akong kumain dun sa ginagawa ko. May konting compromise pero kung hindi matibay-tibay loob ko, siguro nag OFW na rin ako. Pero yon, gawin niyo lang yung gusto niyong gawin pero maging mabuting tao ka lang siguro.

So, mabuti kang tao?

Pinipilit kong maging mabuti tao.

Sino sino mga female fans mo?

Yung mga iba, mga ina. Pero minsan tinitingnan ko dun sa Facebook fan page ko, may maayos naman na babae na nag “Like.” Tapos tinitingnan ko mga Boracay pics nila, okay naman pala sila eh.

Anong klaseng babae and type ni Jun Sabayton?

Wala akong pattern eh, yung sa physical. Pero mas gusto ko yung nakakausap ko, tapos yung interested sa arts at sa politics.

Pano ka ba magmahal?

Siguro higit pa dun sa buhay ko, yung pwede akong mabaliw. Ganon ako mag mahal. Ano ako eh, sobrang passionate ako magmahal. Yung lang naman yung tanging bisyo ko, umibig.

May mga tips ka bang mabibigay sa mga Pinoy guys?

Kailangan mo lang suyuin ang babae. Parang typical na Filipino, mas old school, yung mas may romance, yung pwede mong pagtiyagaan. Kailangan mo lang tiyagain kung gusto mo yung isang tao.

What’s one thing about yourself na di alam ng mga tao tungkol sa yo?

Mainitin yung ulo ko. Matagal na akong gustong mag drive pero hindi ako pwede mag drive, mabilis ako mapikon.

Ano yung typical na Pinoy na lalaki?

Romantico ‘tas bastos, ganon, medyo bastos, romantic pero magalang. Ano ako eh, romantic ako pero pag nakuha na kita, babastusin kita sa apat na sulok ng…kwarto.


4 comments:

  1. Y couldn't this rain wait til tmrw when I have no tutorials... I would have loved an excuse to miss pictures of gunshot wounds... Sigh

    ReplyDelete
  2. Thank you for sharing excellent informations. Your web site is so cool. I'm impressed by the details that you've on this blog. It reveals how nicely you understand this subject. Bookmarked this web page, will come back for extra articles. You, my friend, ROCK! I found simply the info I already searched all over the place and just could not come across. What a great web-site.

    ReplyDelete
  3. As I website possessor I conceive the written content here is real great , regards for your efforts.

    ReplyDelete
  4. You got a very excellent website, Glad I found it through yahoo.

    ReplyDelete