Saturday, November 19, 2011

Mamang Pulis Bakit Laging Shoot To Kill


Trigger Happy Cops - Mamang Pulis Bakit Laging Shoot To Kill ?

Have you ever wondered why cops would always have the tendency to shoot to kill rather than hit the suspects on the leg or any part of the body that would just temporary disable or keep them from running or getting away? Have you ever wondered why most of the suspects in a shoot-out would always turn out dead, and those that remain alive are just the ones that got away?

Are our cops only trained to kill, and keep no man alive so there would be less paper work, or they just don't want anybody around to talk about what really happened? Or are they just too lazy to save lives and give the erring, misguided and unfortunate citizens of our society another chance to walk the righteous path?



Kanina lang sa TV Patrol, may mga ibinalita na naman na mga pulis sa Pampanga, nakunan pa ng video....

Talagang pinaputukan muli at malapitan pa ....para matuluyan ang mga nahuling nagtatangkang magnakaw daw. Nakabulagta na sa lupa at walang kalaban-laban.....

Wala talagang iniiwang buhay ang mga pulis natin...Talagang pinapatay para walang kawala...

Bagama't masasamang elemento ang pinatutumba raw nila...hindi rin maiaalis sa ating isipan na maaaring inosente rin ang kanilang mapatay...

Naalala ko pa several years ago nang may isinumbong ako sa ating kapulisan. They were suggesting that they plant some illegal drugs on the suspect para daw madiin...Kung hindi raw kasi masasampahan ng mas matinding kaso ay lalaya lang daw agad iyon. Ako na lang daw bahala sa kanila... implying that I give them some form of compensation for their efforts...Buti na lang tumanggi ako.

Bakit ba ang mga kapulisan ay may training na pumatay?..

Hindi ba pwedeng patamaan na lang sa binti o braso para maparalisa lang temporary ang kriminal at para din makapag-imbestiga pa sila kung sino ang mastermind at kung ano-ano pa ang ginawa nilang krimen?

Ang depensa ng pulis ay mapapawalang-sala lang agad at makakapag-piyansa lang ang mga yan lalo na kung may sindikato sa likod nila.

Pero karamihan naman talaga ng mga nahuhuli o napapatay nila ay mga low-profile or mga maliliit na isda lamang. Hindi nahuhuli o nakakasuhan ang mga big-time crooks.

Hindi ko alam kung ano ang tama pero hindi naman natin pwedeng bawiin na lamang ang buhay ng isang tao na hindi sila binibigyan ng pagkakataon para magbago. Maari din nilang isiwalat ang katotohanan dahil maaaring hindi naman sila ang mastermind or pasimuno sa mga nangyayaring krimen. Marami kasi sa mga kaso ay may involvement din ng mga autoridad. Sino pa ba ang may madaling access sa mga baril kundi ang mga militar at pulis o kaya ay may kasabwat na malaking tao na may kapangyarihan.

Kung ang magiging training ng pulis ay pumatay na lamang para sigurado na hindi sila maunahan ay patuloy lamang na dadami ang krimen dahil hindi namana lumalabas ang mga detalye kung bakit at paano nangyayari ang mga krimen.

Wala sa atin ang may karapatang pumatay kahit pa mabuti ang ating hangarin. Hindi natin alam ang tunay na dahilan upang maudlok ang isang tao sa kasamaan. Maaaring may mabigat na dahilan kung bakit may mga kriminal.

Marami ring pagkakataon na inosente ang mga napagbibintangan o nahahatulan ng pagkabillango. Ito ay maaring dahil mas maimpluwensiya or may kasabwat sa autoridad ang kanilang mga kalaban.

Ang mga pulis ay mga tao rin lamang at hindi dapat binibigyan ng karapatang pumatay at magsilbing berdugo.

Magkakaroon din ng mentalidad ang mga kriminal na hindi sumuko at lumaban hanggang mamatay kapag hinahabol o naabutan ng pulis. Alam kasi nila na hindi sila hahayaang mabuhay upang hindi na sila makaulit.

Sadyang tamad yata ang kapulisan natin na mag-imbestiga at alamin ang katotohanan. Umaasa na lamang sila sa mga nagrereklamo at naghihintay ng ebidensiya na i-pre-present ng mga nagrereklamo at akusado.

Kapag high-profile case, kung saan celebrity o pulitiko ang involved sa kaso, ay saka lamang sila kumikilos at sinisipag mag-conduct ng investigation.

Recently ay may idinulog akong kaso sa isang himpilan ng pulis. Pagpasok ko sa loob ng opisina ay puro natutulog ang mga pulis sa loob. Hindi ko alam kung puyat sila dahil sa isang kaso, pero hindi naman yata tama na sa istasyon ng pulis na kung saan maraming makakakita, matutulog.

Gumising rin naman sila at inasikaso ako pero nung nag-request ako na pumunta sila sa crime scene ay tumanggi sila at ako na lang daw ang kumuha ng litrato....:( Ako na lang daw ang magbigay sa kanila ng litrato para maging ebidensiya.....

Hindi ba nila alam na pwede kong i-tamper ang crime scene pag ako mismo ang kukuha ng litrato?

Sa iba na lang ako lumapit.

Kung hindi may tiyaga ang magrereklamo ay mawawalang-saysay ang mga pagtulong ng mga tao para puksain ang krimen sa bansa. Pasalamat sila at may mga taong may concern at advocacy para isiwalat ang mga kalokohan sa paligid.

Kaya maraming mga tunay na masama ang nagtatagumpay sa kaso dahil kung karaniwang mamamayan lamang ay hindi magkakaroon ng sapat kaalaman, kakayahan at koneksiyon para maiayos ang kanilang asunto. Napupunta tuloy sa wala ang kaso laban sa mga kriminal na may kasabwat na may kapangyarihan. Napapawalang-bisa dahil sa teknikalidad o kakulangan ng ebidensiya.

Kapag walang aalalay sa iyo at magtuturo ng tamang mga paraan para ipagtanggol ang sarili ay ikaw pa ang lalabas na may sala. Kapag wala ka ring pera para ipamudmod sa abugado, pulis at mga tao sa korte at munisipyo ay hindi ka nila tutulungan at aasikasuhin.

Media lang minsan ang tumutulong. Pero hanggang sa sikat ang kaso mo ay nariyan ang media pero kung hindi ka naman tututukan ay hanggang doon na laman din.

San Fernando, Pampanga "overkill" incident will now be investigated by the Commission on Human Rights (CHR)..

2 comments:

  1. Hi my friend! I wish to say that this post is amazing, nice written and come with approximately all vital infos. I would like to see extra posts like this.

    ReplyDelete
  2. Very interesting subject, thanks for putting up.

    ReplyDelete