Saturday, November 19, 2011

Kid Kriminal


Patuloy na dumarami ang mga kabataang sangkot sa krimen....pagnanakaw, panggagahasa, paninira, .....walang galang sa nakakatanda, walang takot gumawa ng kasalanan...karamihan ay di natatakot na mahuli dahil alam nila na walang parusang pagkakakulong dahil menor de edad sila....matatapang umalipusta sa magulang at walang takot sa Diyos, sindikato sa lansangan, sakit ng lipunan, mahirap man at mayaman, pare-parehong nararamdaman natin ang impluwensiya ng makamundong pagkalugmok sa kasalanan dulot ng isang mapanuring lipunan...

Ano ba ang dahilan ng pagiging barumbado, siga, madaling maaburido, madaling matukso, at madaling maimpluwesiyahan ng kapwa kabataang naliligaw ng landas?...Ito ba ay dahil sa kahirapan, problema sa eskwelahan, galit sa higpit na magulang, tukso ng barkada, bastos na palabas sa telebisyon at pelikula?...Ano nga ba?

Laman ng kalsada sa halip na eskwela. Maagang sinasanay sa pagnanakaw, bisyo, at droga.



Ito ang direksyon ng buhay ng maraming kabataang Pilipino ngayon. Mulat na sila sa mapanganib na mundo ng mga mas nakatatanda sa kanila.

Sapat o kulang nga ba ang batas para pigilan, gabayan, at protektahan ang mga batang naliligaw ng landas?

"Ang malaking kadahilanan ay ang batas na child abuse law ni kiko pangilinan dapat amend and batas na iyan na naging dahilan kaya tumigas lalu ang ulo ng mga kabataan at ginagawang hanapbuhay ng mga magulang ng mga batang bagamundo"

3 comments:

  1. great issues altogether, you simply received a new reader. What could you recommend about your post that you simply made a few days ago? Any positive?

    ReplyDelete
  2. Very wonderful information can be found on web site.

    ReplyDelete
  3. Fell on your page after looking for a similar article.

    ReplyDelete