Saturday, November 19, 2011
Call Center Capital Of The World
Ramdam Ko Ang Asenso Dahil Puro Call Center Ang Trabaho - Di Nga?
Next time you dial a help line, your call will probably be routed to the Philippines. They say the country already surpassed India as the call-center capital of the world. Apparently companies are attracted to the “accent-neutral language” spoken by most Filipinos, which makes it less obvious that the call is being outsourced.
"Puro na lang ba call center ang tarbaho ngayon ng mga pilipino?
Paano naman kaming mga Political Sciernce graduates. Puro na lang call center! magiging tagasagot na lang ba ng telepono ang mga kababayan natin? there must be something wrong!"
"Ganyan talaga , taghirap eh, ang pilipinas tlaga mahilig mag silbi s mga banyaga... nkklungkot nga at kelangan mo p m22 ng ibang salita para *** kumita, kahit bobo bsta magaling magsalita ng ingles eh tingin n matalino.. kahit sa pulitika, pag ng uusap sila, broadcast sa filipino tv, pero usapan ingles, mali mali nmn, dp masabi ang dapt masabi, kc iniisip ang katumbas n ingles! at hndi lahat nkk intindi, eh bat d nlng kc tagalugin para solid??? pag may nkpanood n amerikano pagttwanan p sila. bilib ako s mga japanese/chinese tlgang solid ang culture d 2lad **... si manny pacman pde nmn kumuha ng interpreter pero talgng pinipilit nya p mag ingles, hndi nya 2loy msabi ang gs2 na tlaga sabihin..
Nag wowork ako sa call center, pero pag kausap ko pinoy eh tagalog ako, fluent ako sa english kc nsanay na s pkkpag usap sa phone at ciempre sa movies, pero hndi ako mahilig mag taglish 2lad ng mga sosyal nkktawa kc pakinggan, hndi n naalis ang crab mentality ** s pinas.
kaya un ang sagot sa tanong mo 'bakit puro call center?' kc maraming magaling sa ingles ** at mura ang labor kaya ina outsource **. at kung wlang call center, isipin mo nlng kung san pupulutin ang iba sa maliit n sweldo? edi ang mngyayari ppnta ng ibang bansa at as usual magging utusan ng mga banyaga at mlamng sa ibang field p, ang layo sa course... kung pnta k sa discovervancouver.com na forum, tapos search mo filipino, mllman m n ang tingin ng mga foreign sa mga pinay eh mga "nanny's" kc ang ine export natin eh ang ating sarili, mga helper, care giver, nurse etc.. at kahit kelan hndi n magbbgo yun.... dati pag ang lalaki kumuha ng nursing n course eh tingin eh bading o kaya tatanungin kung baket pang babaeng course,. ngayn lahat n gs2 nrsing kc mkkpnta ng US!, at tuwang tuwa **** ang gobyerno kc marami sila mkkurakot sa mga OFW's... tsk tsk
pero marami krin m22nan sa call center, ok ang training, depende kung ang a applyn mo eh related sa course mo, pde mo rin gamitin ang kalahati ng pera mo para mag aral, depende sa diskarte mo., ako compsci grad ako, at ciempre ppliin ko eh tech support n pang I.T, ngayn blak ko pnta singapore para mas ok ok. :)"
"Ramdam ko ang asenso!...sabi ng commercial dati. Lumalakas ang piso. Dumarami ang mga trabaho. Oo nga ata, umaasenso nga ata ang buhay!
Pero bakit ako mismo di ko nararamdaman?
May kotse sa bahay, ayokong gamitin, kasi ang mahal sa gas.Kahit un Volkswagen Beetle na dapat eh napakatipid eh kailangan kong kargahan ng 500 para lang mabisita ko ang girlfriend ko sa UST at ihatid siya sa Pasig bago ako umuwi sa Cainta.
Dati kahit panu, 2 araw tinatagal ng 500. Ngayon, isang gamitan, boom. 500 pesos. Kung itinatae lang ang pera, ok lang sana. Ganun ba ang asenso?
Unang trabaho ko, call center. 16K kaso graveyard shift. 1 day processing lang. Marami nga atang trabaho para sa mamamayan. Naisip ko makalipas ang ilang buwan, ayoko na. Hindi iyon ang pinangarap kong gawin sa buhay ko. Iniwan ko ang trabaho at ang pagkakataong makapag-ipon. Marami namang trabaho dyan eh.
Pero makalipas ang dalawang buwan, limang buwan, isang taon, tatlong taon....ayun pa rin ako, nakatengga sa bahay at nag-uubos ng perang kinita sa call center.
Ang unang trabahong nagbigay sa kin ng pagkakataon eh tinanggap ko na agad kahit na tila call center pa rin un. ok na kesa patuloy na maging pabigat sa bahay. Nakakainis lang kasi tila nawawalan na ng saysay ang pag-aaral ko.
Graduate naman ako, pero un supervisor ko nagstop ata 3rd year college. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan ng mga hindi naka-graduate. Ang akin lang, sana pala eh di na rin ako nag-aral at nag-call center na lang. Baka supervisor na rin ako ngayon. Iyon ba ang asenso?"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment