Saturday, November 19, 2011
Mula Magaling Hanggang Pwede Na
Natatandaan ko pa noong ako ay nag-aaral ay kinakabisado ko ang buong libro ng History o Social Studies subject namin. Kahit malayo pa ang exam o quiz ay unti-unti ko ng mine-memorize para pagdating ng araw na iyon ay kaunting review na lang ang aking gagawin at siguradong mataas ang aking makukuhang score.
Panay ang practice ko sa pagsagot ng mga sample test sa Physics. Halos lahat ng tanong sa mga ibat-ibang libro ay pilit kong sinasagutan. Binabaliktad ko pa ang mga kondisyon sa problema para halos lahat ng pwedeng maging tanong ng instructor ko ay masasagot ko.
Bago ko pa ipasa sa teacher ko ang aking essay ay pilit kong tinatama ang aking grammar, at paulit-ulit na inaayos ang aking mga pangungusap bago ito isulat sa papel. Titingin pa ako sa thesaurus para gumamit ng kakaibang salita para impressive at angat sa iba.
Sadyang nais ko talagang pagbutihin ang lahat ng aking gawain. Maging perpekto sa lahat ng aspeto. Hindi makuntento sa simple lamang. Kailangan pinakamaganda at walang mali. Hindi pwedeng kulang-kulang. Kailangan sapat lamang at hindi sobra.
Pero pagkagraduate ng college, at ng matikman ang trabaho, parang ang lahat ay nagbago.
Iba ang realidad sa labas ng paaralan. Maraming matalino pero mas higit na nakaka-angat ang maabilidad at maraming kaibigan. Maraming masisipag mag-aral pero mas nakalalamang ang mayayaman at may koneksiyon sa autoridad. Maraming mga oportunidad sa pag-asenso pero nasasapawan ng mga taong may kakilala sa sistema. Kahit ikaw ang karapat-dapat, ito ay hindi sapat.
Kaya unti-unting akong na-demoralized. Nawalan ng pag-asa na makakaahon pa ng higit sa aking tinatamasa. Hanggang dito ka na lamang kung ikaw ay nahakbangan ng ilang taong may kapangyarihan. Kadikit ni Mayor, kainuman ni Kapitan, kabarkada ni Hepe, at marami pang iba.
Tila ang mundo ay isang kalokohan. Ang batas ay kayang paikutan. Ang karapatan ay para sa may kaya lamang. Ang sagana ay para sa iilan lamang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I have recently started a site, the information you provide on this web site has helped me greatly. Thanks for all of your time & work. "One of the greatest pains to human nature is the pain of a new idea." by Walter Bagehot.
ReplyDelete