Some politicians and government officials definitely need some hard SPANKING for the severe IMPROPRIETIES they have committed to society.
I dedicate this poem to them. Paki-translate na lang from Filipino for those who couldn't understand Tagalog.
Aba-aba, sino ba itong tinatawag akong pogi
Akala yata niya ay type ko siya, oy wag na kadiri!
Pwede ba huwag mo na akong kulitin
Ano ba tingin mo dito, PBB Teens?
Didikitan ba naman ako ng malapitan
Ilalapit ang mukha niya na, ...ano ba yan!
Gusto pa niya titigan ko siya sa mata
Baka mamaya halikan pa ko niya
Awatin man ako ni Vice Ganda
Gusto ko talagang pagpapaluin siya
Matigas na kasi ang ulo, masyado ng abusado
Ang bagay sa kaniya, paluin sa puwet ng todo-todo
Hinay-hinay naman sa pagkita ng extra
Ang dami kunwaring project, baka puro naman "ibinenta"
Lahat na lang ng gawain ay inasa sa iba
Habang nakaupo maghapon sa kanyang upo-sina
Ang mga tauhan ay ginagawa niyang tanga
Walang kaalam-alam sa pag-aayos ng problema
Nangangapa sa dilim, di maintindihan kung ano ang gagawin
Itatawag na lang para wala ng intindihin
Magkano na ba ang inyong kinita ngayon
Sa mga proyektong umaabot ng milyon-milyon
Dami na bang nalibre, sobra-sobra sa pangkape
Halos mabundat na tiyan at baka pa magtae
Hay nako, perwisyo, bahala na nga po kayo
Darating din ang araw ng katapat nyo
masusugpo rin ang mga asal-hayop na pag-uugali
matatakot din kayo at sa salawal ay maiihi
Bato-bato sa langit, tamaan ay huwag magalit
Huwag naman po mag-ngitngit baka lalong pumangit
Kung talagang siya ay walang kasalanan
Bakit di na lang sagutin ang reklamo ng bayan
"Use power to help people. For we are given power not to advance our own purposes nor to make a great show in the world, nor a name. There is but one just use of power and it is to serve people." - George Herbert Walker Bush
Disclaimer: This poem refers to noone in reality. It is simply an anxiety of what may be and what could be, if there ever was an impropriety. In other words, pure fiction.
Wag na pong mag-react pag may tinamaan,
tsamba lang siguro, di sadya, wala akong nalalaman.
pero baka naman may halong katotohanan
bagamat ito ay kathang-isip lang naman
No comments:
Post a Comment